Thursday, January 22, 2009

SNIPPET (Repost from Friendster)

Sa gitna ng Faculty Center at AS sa UP, mayroong maliit na hump. Hindi ko nga alam kung hump nga ba siya na maituturing. Pag nasa malayo ka, hindi mo makikita. Pag napadaan ka na lang dun, tsaka mo siya mararamdaman. Madaming beses na akong nabiktima ng hump na iyon. Sa liit niyang iyon, ilang beses na ako natisod. At kahit ilang beses ko sabihin sa sarili ko na sa susunod na dadaan ako dun ay iiwasan ko na siya, natitisod pa rin ako. Siguro dahil gusto kong matisod. Pag natitisod ako dun, kunwari walang nangyari at mapapangiti ako. Gusto ko sigurong natitisod para mayroon akong karagdagang dahilan para ngumiti. Ewan. O sadyang hindi ako natututo sa mga pagkakamali ko.

Natisod na ba kayo dun?

No comments:

Post a Comment