For some people, the joy of the Season lies in the gifts that they are to receive come Christmas day. During Christmas parties, raffles tend to be interesting when the displayed gifts are big in sizes. Each one keeps his/her hopes high in receiving the large ones — the bigger, the better. But sometimes, the best gifts come in small packages. Simply put, the things that can make us happy, secure and comfortable sometimes appear in containers, unwrapped and devoid of colorful and glittering ribbons. This is one thing I’ve realized. During these times that it’s very much difficult to be satisfied and contented, I’ve learned that we can get value out of life if we try to see the simple things that matter.
Natatawa kasi ako sa mga bagay na nagpapasaya sa akin, pansamantala lang o pangmatagalan.
1) Una sa listahan ay yung relief na nararamdaman mo after you responded to the call of nature. Sobra as in…lalo na pag hirap na hirap ka sa umpisa, tapos pagkatapos ng konting meditation eh SUCCESS! Hahaha! HIndi ko alam kung nararamdaman ng iba yun, pero ako I am very much thankful kapag nagtagumpay ako. Hahaha!
2) Kapag bagong palit ang bedsheet, pillow cases at bath towels sa bahay. Lalo na yung bath towel, ang saya-saya pag bagong laba yung tuwalya mo at hindi pa nanlilimahid.
3) Kapag malinis ang kuko ko sa paa. I don’t know why, one of the therapies that can ease my depression is seeing my toenails clean. Pag malungkot ako, lilinisin ko yung mga kuko ko, tapos medyo aayos na yung pakiramdam ko. Bonus happiness pa kung maayos yung pagkakalagay ko ng nail polish if I decide to put them on. Ito ang tinatawag na Happy Feet Therapy!
4) Sa mall, kapag nakabili ka ng bagay na gustung-gusto mo, na nakita mo after 3 hrs ng paghahanap sa kanya. Sabihin nating damit o sapatos ang pinag-uusapan dito. Bonus happiness pa kung nabili mo siya sa murang halaga.
5) Kapag nakasagot ka ng isang problem mula sa inorganic chemistry book ni D.A. Johnson na hindi tinitingnan ang answers to problems sa susunod na page. Bonus happiness pa pag na-derive mo talaga ang solution sa problem.
6) Kapag naghahanap ka ng mga journal articles para sa seminar mo at hindi kailangan ng subscription para sa napili mong journal. Panalo!
7) Kapag nageexperiment ka sa bagong recipe at nakuha mo na ang tamang timpla o nalaman mo na ang oras ng pagluluto sa oven na tamang-tamang luto lang at hindi sunog ang niluluto mo.
8) Kapag maganda ang homily ng pari sa misa at apektado ka talaga. Noong undergraduate ako, nakakatuwa, kadalasang naiisipan kong magsimba, yung homily nung pari ay appropriate sa current situation ko noong mga panahong iyon. Parang pinagsimba talaga ako ni Lord para maliwanagan ako.
9) Kapag naka-meet ka ng kaibigan o kamag-anak na matagal mo ng hindi nakikita in unexpected places. Nakakatuwa din pag yung blockmate mo ay kilala pala yung pinsan mong alam mong nag-eexist pero hindi mo pa talaga nakausap. It builds relationships.
10) Kapag perfect na ang pagkakakuha mo ng picture sa digital camera at hindi mo na kailangan pang ulitin.
11) Kapag nasa tono ang gitara ko at maganda ang tunog niya sa panahong ginagamit ko siya.
12) Para sa matakaw na kagaya ko, kapag masarap ang na-order ko sa isang resto na first time kong nakainan, ay laking tuwa ko na.
13) Kapag maganda yung nasakyan kong bus…yung walang ipis na pakalat-kalat at yung may TV.
14) Kapag naglinis ka ng mga bag mo at nakahanap ka ng pera (puwera naman coins) sa mga secret pockets…ay sobrang saya! Nyahahaha!
15) Kapag nakaupo ka sa MRT.
…
My list can actually go on and on. It’s funny to think of those mababaw things that you are really thankful for. Nais ko itong tawagin na GRATITUDE JOURNAL. At these times that life gets so complicated, it’s hard to recognize things that bring us benefits. Sometimes we burden ourselves in searching for real happiness, well in fact it slaps us in the face too hard…too many times.
Wishing you all a blessed new year!
P.S. With a fresh idea of "blessed" this time.
No comments:
Post a Comment